Valiente sa TV5: Ang Pagbabalik ng Pinakamatagumpay na Dramaserye sa Philippine TV
JC DeVera |
Matapos ang limang taong matagumpay na pag-ere sa dalawang malaking istasyon, ang Valiente ay nagbabalik upang imibitahang muli ang mga manonood na sumubaybay sa naturang teleserye pati na rin ang bagong henerasyon ng mga manonood na paniguradong makaka-relate sa nakakaantig nitong kuwento dalawang dekada ang makalipas.
Nadine Smonte |
At ngayo’y unang ipapalabas sa primetime TV sa ilalim ng masusing direksyon ng multi-awarded director na si Joel Lamangan, ang Valiente ay sasalamin sa natatanging istorya ng dalawang pamilyang haharap sa hamon ng buhay at magtutunggali upang makamit ang tunay na pagmamahal at katotohanan. Ang napaka-gandang istorya nito ay bibigyang buhay ng magagaling at naglalakihang cast ng bagong henerasyon na pinangungunahan ng mga Kapatid stars na sina Oyo Sotto, Nadine Samonte, Nina Jose at JC De Vera.
Niña Jose |
Oyo Boy Sotto |
Kasama ng bagong henerasyon ng Valiente cast ang mga nirerespeto at tinitingalang aktor sa industriya: Mark Gil, Jaclyn Jose, Gina Alajar at ang tinaguriang orihinal na gumanap bilang Valiente na si Michael de Mesa.
Ipinakikilala din ang mga bagong artistang dapat abangan ng mga manonood sa Valiente na sina Ross Pesigan (Batang Gardo), Liane Valentino (Batang Maila), Czarina Suzara (Batang Leona) at Arvic Rivero (Batang Theo). Kasama din ang mga magagaling na aktor na sina John Regala (Peping), Jim Pebanco (Ariston) at Toni Mabesa (Victorino Penitente).
Ipinagmamalaki din ng Valiente ang natatanging rendisyon ng orihinal na theme song nito na muling kinanta ni Vic Sotto, na siya namang orihinal na singer nito. Ang orihinal na kuwento ng Valiente nito ay obra ng highly acclaimed scriptwriter na si Gina Marissa Tagasa.
Ang primetime viewing ay paniguradong mas iinit, mas magiging kapana-panabik at mas aabangan sa pagbabalik ng pinakamatagumpay na teleserye ng bansa na magsisimula na ngayong Pebrero 13 sa TV5. - PR
Para sa esklusibong impormasyon tungkol sa Valiente, maging fan sa Facebook at follower sa Twitter:
Comments